![]() |
Photo taken during my traverse from San Jose, Occ. Mindoro to Coron, Palawan via a merchant ship. |
Malawak, malayo, malabo...
Payapa, malaya, madaya...
Ang lahat ng ito ay halo-halo...
Sa isipan at damdamin ko na tila ba naghihingalo...
Sabay bubulong ang hangin at marami itong sasabihin...
Pipiliting iwaksi, igigiit na tumanggi...
Isa-isa ang bawat gunita ay hinahayaang anurin...
Lilinlangin ang sarili na kunwari ang lahat ay hindi na muli pang magbabalik...
Ngunit sa huli sa muling pagdalaw ng katahimikan at pakikipagtagpo ng diwang napabayaan...
Ay muling matagpuan sa dulo ng tinatanaw ang dating imahe ng masayang ako at ikaw...
Comments
Post a Comment