![]() |
Photo taken in front of Town and Country Heights Subdivision Chapel, Antipolo City. |
Dagliang umihip ang malamig na hangin...
At binihag ang hapo at nanghihina kong diwa...
Upang sa kalangitan ay mamasdan ang kakaibang mukha ng takipsilim...
Natulala, natuwa at nabigla...
Na nagtapos sa isang malalim at malungkot na buntong hininga...
Dahil ang ang aking pagkamangha ay naudlot at kasalukuyang nakikipagdigma...
Sa damdaming napakabigat ng suliraning dinadala...
Tumingala at sa isipa'y isa-isang hinuli ang nakakalat na mga alalahanin...
At sa isang iglap mapalad na napagtagumpayang mabawi ang lumalamlam na ulirat...
Na siyang nagwakas sa isang mapait at matipid na ngiti...
Patungo at pabalik sa masalimuot na realidad...
Comments
Post a Comment